Don't you know I'm not your ghost anymore?
Enrollment.

Hiiiiii! I’m back. Di ko alam kung bakit ako nawala. Siguro talagang stressed dahil sa pagiging senior. Pero ngayon, proud akong sabihin na tapos na ko sa high school. Oyeahhh! \m/

So, ayun nga. Dahil graduate na ko, kelangan namang harapin ang isang stage ng buhay. Eto ang pagiging college. Napagplanuhan ko na CSB na pumasok dahil tri-sem, nandun ate ko, at magkakaron ako ng madaming ipon dahil late na magbakasyon dito. Pasok days equals more allowance diba? Hahaha. Pero, syempre, di naman ako papasok dahil sa baon, gusto ko ring matuto no. Ttry ko nang di maging tamad. Nga pala, course ko is Bachelor of Arts Major in Consular and Diplomatic Affairs (AB-CDA). Hanggang ngayon, nagdadalawang isip pa rin ako kung ID (Interior Design) ba or eto na lang. Pero, sabi ko sa sarili ko, pag hindi ako natuwa sa course kong to, baka mapa-shift ako. Pero, ttry ko pa rin na mahalin tong pagiging CDA student dahil mahal ang tuition, at pag nag-shift ka pa, parusa na naman to sa parents mo. 

Bukas, dun kami tutulog sa condo namin. Dun din kami titira pag pasukan na. Isang sakay lang naman papuntang school, pero mejo malayo pa rin. Kailangang maaga umalis para di maabutan ng rush hour. At kapag kinakailangan, mag-LRT na lang ako from UN to Vito Cruz. 

May 9, Wednesday, ang enrollment ko. 8:15 ng umaga, kaya dun kami tutulog sa condo namin para di ma-late. 

So, di ko alam kung anong i-expect ko sa pagiging frosh sa Benilde, at maging Taga Benilde. Although, di ako magiging poorsome dahil nandun ate ko, mejo excited at kinakabahan ako. Kasi, ibang stage na ng buhay ko to. Yung mga familiar faces ng classmates mo within 4 years, di mo na makikita. And that kinda sucks. Pero, dahil hindi ako anti-social na tao, kakapalan ko na talaga mukha ko. Sa orientation ko sa May 16, makikipagkilala na ko sa kanila para di ako maging loner sa Frosh Night namin sa May 18. 

NGIPIN.

ANG HIRAP KAPAG YUNG NGIPIN MO, MAY RUBBER SEPARATORS. ANG SARAP KUMAGAT NG IBANG TAO, PERO PAG GINAWA MO, MASAKIT NAMAN.

‘KAY. WALA KONG MASABI. LATER NA LANG. SA BAHAY. :D

Ako si Talong Bagoong.

Bakit ko napili ang pangalan ito? Simple lang. Una, wala akong maisip na magandang pangalan para sa pangalawang blog na ito. Meron na akong isa pang account dito. Pero mas gusto ko na itong gamitin dahil hindi nila ko kilala dito. Hindi malalaman ng mga kaklase ko kung sino ba ‘tong panget na ‘to na nagpopost at sino ba si talongbagoong? PANGALAWA, talong ang nasa isip ko nang mga oras na iyon. Di ako mahilig sa talong, pero kumakain naman ako neto minsan. Talong. Isang salitang katunog neto ay bagoong. Nang dahil jan, nabuo ang aking pangalan. TALONG BAGOONG.

Sa ngayon, hindi ko pa masasabi ang aking pangalan. Maraming magagalit, maiinis, at ang iba’y matutuwa lang sa aking mga posts. Di rin kasi masyadong pala kaibigan ang nakaraan na isinulat ko dito. Pero, kung hindi pa ko makakapagpakilala ngayon, isa lang ang nais kong malaman niyo. Hindi ako open book na tao. Madalas akong magkimkim ng sama ng loob sa aking sarili upang wala nang madamay o magalit na ibang tao. Maraming tumatakbo sa aking isipan: bakit kaya siya ganyan, anong susuotin ko bukas, paano niya nagawa iyon. Hindi ako ‘yung taong kayang maglabas ng sama ng loob sa ibang tao. Duwag ako at isang hamak na taong may ayaw sa bagoong. BOW.

Nakakainis lang.

AYOKO NANG SUMAYAW FOREVER. Sisihin niyo yung nag-discourage sa ‘ken. Sabi niya sa ‘ken, I look like a stringed-puppet when I dance. ‘Kay fine, I won’t dance na. AYOKO NA.

Second time na kasi ‘yan. Nung 2nd year ako, may nagpaparinig palagi ng TRANSFORMERS AUTOBOTS pag nagsasayaw ako. Tapos kapag nakaupo naman ako at may ibang sumasayaw, wala naman. Hello! Di ako tanga para di mapansin na ako ang pinaparinggan niyo. NAKAKAINIS LANG TALAGA YUNG MGA TAO NA NANGHIHILA PABABA. Ayoko na talaga. I WON’T EVER DANCE AGAIN. KUNG SASAYAW MAN AKO, PAPA-SEXY MUNA AKO PARA WALA NA TALAGANG MASABI ANG IBANG TAO SA ‘KEN. ANG PAYAT KO DAW KASI PARA SUMAYAW. WELL, KILALA NIYO NA KUNG SINONG GAGANTI SA INYO. AT HINDI AKO ‘YUN KASI THAT’S BAD.

First post.

Hello. Ako si talongbagoong. Pero, mas kilala ako bilang may-ari ng isang tumblr account na may pangalang na hindi ko sasabihin kung ano. Wala lang, trip ko lang magkaron ng isa pang account kung san pwede kong isulat lahat ng gusto ko. Mas madali na lang din kasi diba. Kasi dun sa isa ko, puro reblogs ‘yun. Parang out of place naman kapag siningitan ko bigla ng tagalog na text post. Halos puro taga-Narnia din kasi mga followers ko dun e. Kaya di sila makakaintindi ng tagalog.

Ayun, pumapatak na naman ang ulan sa labas. Nakakasawa na. Gusto ko na ulet makita ang napakagandang sikat ng araw. ‘Yung halos isang araw siyang sumikat. Yung araw na hindi uulan, kasi nakakalungkot din pag puro ulan na lang. Puro gray, black and white lang ang shades ng kalangitan. Walang blue, yellow. Parang walang buhay.

Actually, nakakabwisit talaga ‘yang super lakas na ulan e. Wala ngang bagyo, pero feeling mo meron. What more pa kaya pag nagkabagyo? Grabe kung sa Manila bumabaha, siguro pag nagkabagyo, magiging mala-Ondoy na naman. Tapos sisisihin na naman nila ang kung sino sinong tao. Dapat kasi sisihin natin sarili natin e. Dahil sa kabastusan ng tao, nagkakaron ng climate change. Kaya lalong lumalakas ang mga pag ulan ang bagyo. Dapat na nating baguhin mga sarili natin para mas tumagal pa ang panahon ng pagtira natin dito.

Sige, yun lang. Mag-aaral na rin ako. Malapit na UPCAT! Hah! Ang aga ng akin. Super. 6:30 am sa UP Diliman. Kamustahin mo naman. Taga-Cavite ho ako. Gosh. Hassle na naman ‘to panigurado. Sana di na umuulan sa Sabado! Sana next month na umulan! :((((